--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinag-aaralang kanselahin ng Palanan, Isabela ang kanilang town fiesta dahil sa banta ng bagyong Crising na nakakda sanang ganapin bukas, Hulyo 19 hanggang sa Hulyo 22.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer John Bert Neri ng bayan ng Palanan, sinabi niya na kasalukuyan ang kanilang paghahanda para sa naturang kapistahan lalo na ang mga mag-aaral na lumahok sa iba’t ibang patimpalak.

Nakatakda naman silang magsagawa ng pagpupulong upang malaman kung kinakailangang kaselahin ang kanilang kapistahan.

Samantala, pangunahing tinututukan ng mga awtoridad ngayon ang apat na coastal barangays sa sa Palanan na kinabibilangan ng Culasi, Maligaya, San Isidro at Diddadungan na pawang mga tabing dagat.

--Ads--

Tiniyak naman niya nakaantabay ang mga DRRM Personnel sa mga nasabing lugar katuwang ang mga barangay officials upang matiyak ang kanilang agarang pagresponde kung kinakailangan.

Naka-standby din sa pagbabantay ang PNP, Coast Guard at Army sa mga coastal towns upang matiyak na wala nang papalaot na anumang uri ng sasakyang pandagat.

Sa ngayon ay hindi pa gaanong ramdam ang epekto ng bagyong Crising at nasa moderate to rough pa lamang ang lagay ng karagatan sa naturang bayan.