--Ads--

Pinakamarami pa ring naitatala ng San Manuel Police Station ay ang mga aksidente sa lansangan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Michael Esteban, hepe ng San Manuel Police Station, sinabi niya na karamihang insidente sa trapiko ang problema sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga nagdaang buwan dahil tumaas ng limang insidente.

Upang maiwasan na ang mga aksidente sa lansangan ay nagsagawa sila ng strategic deployment sa pamamagitan ng Project RONDA.

Pinapaigting nila ang police visibility sa mga lansangan kung saan malimit ang aksidente.

--Ads--

Samantala, wala pa naman silang namomonitor na illegal drug trade sa bayan ng San Manuel.

Gayunman ay may napasuko naman silang Tokhang responder na resulta ng mga nakalipas nilang operasyon.

Aniya sumasailalim na sa Community based rehabilitation program ang Tokhang responder upang maayos ang kanyang buhay.

Nagpapatuloy naman ang kanilang Oplan Katok at araw-araw silang nag-iikot sa mga barangay pangunahin na sa mga gun owners upang iparehistro na nila ang mga nagpasong baril na nasa kanilang pag-iingat.