CAUAYAN CITY – Mapalad na walang nasugatan sa pagbangga ng isang trailer truck sa isang bahay sa Ramos West, San Isidro, Isabela dahil umano sa madulas na daan.
Sa naging panayam Bombo Radyo Cauayan kay PCpt Joel Bumanglag, hepe ng San Isidro Police Station, ang ang tsuper ng trailer Truck ay si Ramil Galano, 42 anyos, may-asawa at residente ng Amulung, Cagayan.
Ang may-ari ng bahay na binangga ng trailer truck ay si Bobbykins Paciente, residente ng Ramos West, San Isdiro, Isabela.
Lumabas sa pagsisiyasat ng San Isidro Police Station na galing ang truck sa Lunsod ng Santiago at binabagtas ang kalsadang nasasakupan ng San Isidro, Isabela.
Hinihinalang dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng tsuper sa minamanehong truck at sa madulas na daan ay nawalan ito ng kontrol sa sasakyan.
Ayon kay PCpt Bumanglag, iniwasan ng tsuper ng truck na masalpok ang checkpoint na may limang tao na nagmamando kaya iniliko pakanan ang minamanehong sasakyan ngunit sumalpok ito sa bahay ni Paciente.
Sasampahan si Galano ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property.












