CAUAYAN CITY- Nasugatan ang dalawang katao matapos na tumagilid ang isang trailer truck na may kargang semento sa pambansang lansangan na sakop ng Brgy. Nagsabaran, Km.Post 297, Diadi, Nueva Vizcaya.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office sangkot sa nasabing insidente ang isang trailer truck na rehistrado sa pangalang Erwin F. Bayson na minamaneho ni Mario Lutrania Supnet, 45- anyos, may asawa, driver at residente ng P-5 Baluarte Santiago City.
Habang nadamay naman ang isa pang trailer truck na minamaneho naman ni Marjoe Maasin Mediane, 31- anyos, single, driver at residente ng Silang Cavite.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad lumalabas na parehong binabagtas ng dalawang trailer truck ang lansangan patungo sa hilagang direksyon.
Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente partikular sa pataas na bahagi ng kalsada ay bigla umanong tumirik ang trailer na minamaneho ni Supnet.
Kaugnay dito ay sinubukan pa umanong hilain ng tsuper ang maxi brake ng kanyang minamaneho subalit nagtuloy tuloy ito sa pag-atras dahilan kayat nabangga nito ang nakasunod na trailer truck.
Batay sa mga otoridad naglalaman ng 1,300 bags ng semento ang tumirik na trailer truck.
Nagresulta naman ang insidente para magtamo ng sugat ang lulan ng tsuper ng at ahente ng nadamay na truck.