--Ads--

Patuloy na nagbibigay ang iba’t ibang training center sa Isabela ng mga kursong accredited ng TESDA, gayundin ng mga produktong likha ng kanilang mga graduates.

Ayon kay Miss Gwenneth Andres, presidente ng isang training center sa Alicia, Isabela, layunin ng kanilang institusyon na sanayin ang mga estudyante hindi lamang sa paggawa ng produkto, kundi pati na rin sa pagbuo ng epektibong marketing strategies at pagpapalago ng kanilang mga negosyo.

Ibinahagi rin niya na kabilang sa mga natutunan at nagawa ng kanilang mga estudyante ang paggawa ng high-value crops at iba’t ibang processed foods tulad ng buro, rice crackers, at cassava chips.

Dagdag pa niya, nakatuon ang pagsasanay sa pagtuturo kung paano mapapataas ang pagpapahalaga sa produkto upang makahikayat ng mas maraming mamimili.

--Ads--

Binanggit din niya na mahalagang magkaroon ang mga entrepreneurs ng sapat na kaalaman hindi lamang sa produksyon kundi pati sa mga aspetong pangnegosyo upang matiyak ang kanilang tagumpay.

Ang mga programang ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng lokal na pamahalaan at mga training institution upang mapalakas ang kaalaman, kasanayan, at kabuhayan ng mga komunidad sa lalawigan ng Isabela.