--Ads--

CAUAYAN CITY – Ilulunsad ng Technical Education and Development Authority (TESDA) region 2 ang pagsasanay para sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFW’s) at Locally Stranded Individuals (LSI’s) bilang bahagi ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program ng pamahalaan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Demetrio Anduyan ng TESDA region 2, sinabi niya na sa ngayon may 16 na OFW na  ang inaalam ang mga skills na kailangan nila para sa kanilang intervention training sa TESDA.

Puntirya nilang maisailalim sa intervention training ang 100% ng mga umuwing OFW’s at LSI’s sa rehiyon dos.

Nag-ooperate ang TESDA region 2 sa ilalim ng skeletal work force ngunit pinag-aaralan n aang  operasyon sa ilalim ng new normal kabilang  ang pagsasanay  ng mga trainer ng TESDA na  hahawak sa  E-learning Modality.

--Ads--

Nais ng tanggapan na pagsabayin ang pagpapatupad ng face to Face at e-learning Modality sa mga skills training ng kanilang mga estudyante.

Samantala, binanggit ni Regional Director Anduyan na nakipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa TESDA para I-enrol ang kanilang mga guro sa tailoring para sa layuning makagawa ng sapat na face mask para sa mga estudyanteng babalik sa klase sa buwan ng Agosto 2020.

Dagdag pa ni Ginoong Anduyan na nanatiling bukas ang online enrollment ng TESDA para sa mga nais na kumuha ng kurso at maka-avail ng kanilang TESDA scholarship slots.

Ang tinig ni TESDA Regional Director Demetrio Anduyan