--Ads--

Nilinaw ng isang constitutionalist na ang pagsasagawa ng lifestyle check ay isa lamang premilinary tool upang masimulan ang pag-iimbestiga sa mga opisyal ng pamahalaan na maaaring sangkot sa katiwalian.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya na sa pamamagitan ng lifestyle check ay masisilip kung naayon ba ang klase ng kanilang pamumuhay sa kaniyang sinasahod.

Hindi lamang aniya ang mga mismong opisyal ang dapat masilip ang lifestyle kundi maging na rin ang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan nito.

Kung sakali mang may nakitang hindi kahina-hinala sa uri ng kanilang pamumuhay ay maaari silang maging subject for investigation dahil sa posibilidad ng ill-gotten wealth.

--Ads--

Kung mapatunayan ay maari silang masampahan ng kaso sa Sandiganbayan.

Ayon kay Yusingco, kahit sino aniya ay maaaring magsagawa ng lifestyle check gaya na lamang ng Office of the President, Senado, Kamara at iba pa.