Itinuturing ng isang eksperto sa constitutional law na transparent ang proseso ng ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kasong crimes against humanity laban sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo “Egon” Cayosa, isang eksperto sa constitutional law, sinabi niya na nakikita niyang maayos ang ginagawang imbestigasyon dahil ito ay napapanood nang live, may takdang oras ang bawat nagsasalita, at pinapakinggan ang bawat panig. Aniya, makikita sa tatlong “quest” na talagang propesyonal ang mga ito.
Ayon kay Atty. Cayosa, ayaw niyang pangunahan ang magiging desisyon hinggil sa kaso ng dating Pangulo. Binigyang-linaw niya na may tatlong yugto ang proseso. Una, kailangang kumbinsihin ang korte na may sapat na dahilan at ebidensya para mag-issue ng warrant of arrest. Pagkatapos nito, dadaan na ito sa confirmation of charges o free-trial dito sa Pilipinas, kung saan kinakailangan kumbinsihin ang korte na itutuloy ang kaso sa trial proper. Ani niya, sa yugtong ito, ang kailangan lamang ay substantial evidences.
Dagdag pa ni Atty. Cayosa, base sa sariling rules ng ICC, sa kanilang jurisprudence, at sa mga inilabas ng prosecution at defense, mukhang may sapat na ebidensya at tama lamang na ituloy ang kaso.
Ngayon, ang totoong trial ay ang pangatlong yugto, dahil dito mag-iiba ang proseso at pamamalakad kumpara sa mga nakaraang yugto. Sa yugtong ito, ang ebidensya na kailangan upang mapatunayan laban kay dating Pangulong Duterte ang proof beyond reasonable doubt.
Base sa ipinakita ng prosecution, mayroon itong mga public records at mga pananalita ng dating Pangulo, kabilang ang sinasabing “patayin niyo sila, ako bahala,” na maituturing sa kasabihang “ang isda ay nabibingwit sa sariling bibig.”
Pangalawa, may mga pag-aamin rin ang mga testigo at inside information mula sa mga dati nilang kasama sa medisis. Suspek pa ni Atty. Cayosa na mayroon ding mga testigo na galing sa kapulisan.
Dahil dito, ayon kay Atty. Cayosa medyo mahirap para sa depensa ng dating Pangulo na kontrahin ang ebidensya.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pangatlong araw ng Confirmation of Charges hearing ni dating Pangulo Rodrigo Duterte ngayong araw ng Huwebes, Pebrero 26.










