--Ads--

May ilang reklamo na ipinunto ang National Public Transport Coalition o NPTC sa ilang araw na pag papatupad ng No contact Apprehension o NCAP sa Metro Manila.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Convenor Ariel Lim sinabi niya na sa loob ng anim na araw ng pagsisimula ng NCAP sa Metro Manila ay napansin ang ilang katanungan sa alituntunin ng NCAP.

Aniya bagamat pabor naman sila dahil sa paraan ito para magkaroon ng disiplina ang mga motorista na bumabaybay sa kalsada gayunman ay may ilang katanunga sila noon na idinulog sa Korte Suprema ang hindi parin nasasagot.

Kabilang dito ang marking sa kalsada, mga stop light at signal lights maging ang biglaang pag sirit sa singil sa penalty o multa sa mga violators na mahuhuli.

--Ads--

Nais malaman ng grupo kung dapat ba itong ipatupad sa lahat ng mga kalsada sa Metro Manila at kung ano ang nilalaman ng ibinabang resolusyon ng Supreme Court.

Kinukwestiyon din ng grupo ang mga naitalagang motorcycle lane lalo at may ilang reklamo na may ilang rider na ang naniningil ng karagdagang charge dahil sa pag-iwas sa mga motorcycle lane na mas nagpapabagal lamang sa biyahe ng mga commuter.

Bagamat layunin sana ng NCAP na mapabilis ang daloy ng trapiko at makapagbigay ng disiplina sa mga motorista subalit ngayon ay tanging disiplina lamang ang meron subalit problema parin ang nakapabigat na daloy ng trapiko.

Hindi din dapat ipagsawalang bahala ng MMDA ang nakatakdang rehabilitasyon sa EDSA na gagawin section by section na inaasahang mas lalong makakdagdag sa mabigat na trapiko sa lugar.

Sa kabila ng ilang butas ay may bahagyang pagluwag naman sa lane ng public transport subalit lalo nakita ngayon ang malaking bilang ng mga gumagamit ng motorsiklo na pinaka apektado ng NCAP.

Dapat isaalang-alang din ng MMDA ang pagsasaayos sa traffic regulation dahil karamihan sa mga motorcycle rider ay nag motorsiklo para mapabilis ang biyahe.

Samanatala, may ilang public transport din ang nahuli sa ipinatupad na NCAP lalo na sa mga nakakalitong markings.

Mas naging mainam sana umano ang implementasyon nito kung nagkaroon ng Public consultation para sana mas naipaliwanag ang layunin ng NCAP sa sektor ng transportasyon.

Muli naman nilinaw niya na hindi sila tutol sa NCAP dahil sa may kabutihan din ito subalit may ilang butas parin silang nasisilip.