--Ads--

Ikinalungkot ng National Public Transport Coalition ang nagbabadyang oil price hike sa mga susunod na linggo dahil sa epekto ng Geopolitical conflict sa Middle East.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC convenor Ariel Lim, sinabi niya na labis na maapektuhan ang sektor ng transportasyon sa nagbabadyang oil price hike.

Panawagan niya sa pamahalaan na kung maaari ay gawan ito ng paraan.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na nilang magsampa muli ng petisyon para sa dagdag na pamasahe.

--Ads--

Depende naman ito sa halaga na aaprubahan na posibleng maglaro sa piso hanggang dalawang piso ang umento sa pasahe sa Jeep habang piso o higit pa para sa mga tricycle.

Ito lamang aniya ang kanilang magagawa dahil hanggang ngayon ay wala pang ginagawang aksyon ang gobyerno sa hiling na alisin ang excise tax sa langis.

Aniya deregulated ang presyo sa langis at naapektuhan nito ang kanilang hanay dahil sa patuloy na dagdag bawas sa presyo ng petrolyo at kung maipagpapaliban ito, tiyak na lahat ay makikinabang.