Inihayag ng National Public Transport Coalition o NPTC na walang kaso ang patuloy na paggsuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa PUV Modernization Program dahil sa Senado pa rin ang pangunahing desisyon sa implementasyon nito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Chairman at Convenor Ariel Lim, sinabi niya na sa Senado naman hihingi ng pondo ang DOTr para sa modernisasyon ng mga PUV sa bansa.
Bago pa man makakuha ng pondo ay kailangan munang ipaliwanag ng ahensya ang mga kinukwestyon ng senado.
Iginiit niya na walang problema sa planong modernisasyon kundi sa mga polisya at regulasyon lamang nito na hindi pa rin masagot o masolusyonan ng departamento.
Aniyia mahihirapan ang departamento na ipatupad ito dahil sa dami ng mga senador na pumirma sa suspensyon ng PUV Modernization Program.
Iminungkahi naman niya sa pangulo na magkaroon ng executive session ang Office of the President, DOTr at dalawang kapulungan ng kongreso upang balangkasin ang mga nilalaman ng programa kung bakit ito tinututulan ng senado.