--Ads--

Pabor ang ilang grupo ng transportasyon sa ginawang hakbang ng bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na pagpapalabas ng Memorandum na humihiling ng courtesy recognition ng ilang mga opisyal.

Ito ay kinabibilangan ng mga incumbent Secretaries, Assistant Secretaries, at mga Director ng Kagawaran ng transportasyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ariel Lim, Convenor ng National Public Transport Coalition, sinabi niya na nararapat lamang ang ginawa ni DOTr Secretary Vince Dizon upang makagalaw ito ng maayos bilang kalihim at nang magampanan nito ng maayos ang kaniyang tungkulin.

Binigyan umano siya ng awtoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ayusin ang hanay ng Department of transportation kaya natutuwa siya dahil sa pamamagitan nito ay masisiguro na episyente at karapat-dapat ang mga maiiwan na opisyal ng naturang kagawaran.

--Ads--

Makatutulong aniya ito para magkaroon ng maayos na sistema sa DOTr dahil magkakasundo ang mga opisyal lalo na kung tamang tao ang nakapaligit sa kalihim.

Samantala, umaasa naman si NPTC Convenor Lim na marersolba ng bagong kalihim ang malalaking problema at isyu sa transportasyon dahil handa umano itong makipag-usap sa iba’t ibang mga sector upang dinggin ang kanilang mga hinaing at suhestiyon.

Pareho din umano sila ng pananaw ng kalihim sa Public Utility Vehicle Modernization Program kung saan hindi sila tutol sa naturang programa ngunit kinakailangan munang tiyakin na walang mga butas sa pagpapatupad nito.