--Ads--
Maagang umusad ang andas ng Poong Hesus Nazareno mula sa Quirino Grandstand para sa pagsisimula na ng Traslacion.
Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, dakong 3:58 ng umaga nitong Enero 9 ng sinimulan na ang paggalaw ng andas.
Nagsimula ito matapos ang isinagawang “Panalangin sa Bukang Liwayway”.
Mas maaga ito ngayong taon kumpara sa mga nagdaang taon na nagsimulang umandar ang andas ng bago mag-ala-singko ng umaga.
--Ads--
Umaasa ang pamunuan ng Quiapo church na magiging maaga ang pagpasok ng andas dahil sa mga ilang pagbabago.
Noong nakaraang taon kasi ay umabot sa 20 oras at 45 minuto ang traslacion na dinaluhan ng nasa 8.1 milyon na deboto base na rin sa pagtaya ng Philippine National Police.







