Naging matagumpay ang Traslacion ng replica ng Itim na Nazareno sa Lungsod ng Ilagan kahapon, Enero 9.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Peterson Patriarca, Spokesperson ng City of Ilagan Gay Association, bagama’t naging masama ang panahon na may kaunting pag ulan, itinuloy pa rin ang traslacion nang alas kwatro ng hapon mula poblacion proper hanggang Barangay Alibagu, at natapos ng alas otso ng gabi.
Marami ang nag abang sa mga kalsada ng lungsod, at humigit dalawang daang de boto rin ang naglakad sa buong traslacion, mula sa karatig probinsya tulad ng Quirino. Dagdag niya, mas kakaunti ang sumama ngayong taon kumpara sa inaasahan nilang bilang nang dahil sa pag ulan.
Karamihan sa mga tumulong na magbuhat ng poon ay mga kabataan, at dinaluhan din ng iba’t-ibang mga pribadong grupo tulad ng mga bikers at ilang uniformed personnel mula sa PNP.
Samantala, wala namang naitalang nahimatay o kaguluhan sa pagsasagawa ng traslacion, habang naka-antabay naman ang first aiders at kapulisan.
Sa mga ninanais naman na puntahan ang replica ng Itim ng Nazareno, makikita ito sa city hall ng Lungsod ng Ilagan.











