--Ads--

Kinokonsidera ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang paglalabas ng travel notice para sa China dahil sa pagtaas ng kaso ng chikungunya.

Sa Guangdong Province sa South China, naitala ang 4,824 kaso ng chikungunya hanggang Hulyo 26, batay sa ulat ng Chinese media.

Sinabi ng CDC na patuloy pa nitong inaalam ang lawak ng outbreak.

Ang chikungunya ay isang sakit na ikinakalat ng Aedes mosquitoes at wala itong partikular na lunas.

--Ads--

Madali itong magdulot ng malawakang outbreak, kaya’t mahalaga ang pag-iwas gamit ang insect repellent at pagsusuot ng mahahabang damit.

Nanawagan na rin ang World Health Organization ng agarang aksyon upang maiwasan ang pag-ulit ng chikungunya epidemic noong 2004–2005 kasabay ng mga bagong outbreak sa iba’t ibang kontinente.