Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Cauayan Component City Police Station bilang lead unit katuwang ang PIDMU-IPPO, RIU2-PIT, PIU-IPPO, RMU2, at 2nd IPMFC, ang isang notoryus na indibidwal na No. 3 Regional Topmost Wanted Person.
ang akusado ay si Alyas “Jose”, tricycle driver at residente ng Purok 4, Brgy. Villa Flor, Cauayan City, Isabela.
Ang operasyon ay isinagawa sa nasabing barangay sa bisa ng Mandamiento De Aresto laban sa akusado para sa kasong Murder, alinsunod sa warrant na inilabas noong Nobyembre 27, 2025 ng isang Presiding Judge ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela ng walang inirekomendang piyansa.
Si Alyas “Jose” ay dinala sa himpilan Cauayan Component City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pormal na ipasakamay sa court of origin.











