--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ng mga otoridad ang isang tricycle driver na tulak ng ilegal na droga sa Purok-1, Divisoria, Santiago City, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay kilala sa alyas na “Balong”, 26-anyos, tricycle driver at residente ng  Brgy. Batal ng nasabing lungsod.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga kapulisan ng Presinto Kwatro, napag-alaman na ang pagkakadakip ng suspek ay matapos na makabili ang nagpanggap na buyer ng droga na nagkakahalaga ng 1,500 pesos.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang 500 pesos genuine money na nagsilbing buybust money at 1,000 pesos na boodle money.

--Ads--

Nakumpiska pa ang isang android na cellphone.

Ang pagkakadakip ng suspek ay dahil sa buong pwersang pagtutulungan ng mga kapulisan ng Presinto Kwatro ng Santiago Police Station.

Sa ngayon, ang suspek maging ang nakumpiskang ebidensya ay dinala na sa SCPO STN 4 habang inihahanda Ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.