--Ads--

CAUAYAN CITY- Inalmahan ng mga tricycle driver sa lungsod ng Cauayan ang pangalawang magkasunod na oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis at epektibo naman ngayong araw ng Martes.

Kaninang alas 6 kasi ay epektibo nanaman ang 80 centavos na umento sa presyo ng produktong gasolina at kerosene habang 90 centavos naman ang umento sa presyo ng diesel.

Ayon sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Tony Vargas, tricycle driver, hindi aniya aalmahan ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kung hindi sunod sunod ang gastusin lalo pa at ginawang taunan ang renewal ng prangkisa sa lungsod.

Hirap na kasi aniya sila sa pag budget ng kanilang gastusin lalo pa at sumasabay pa ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

--Ads--

Ayon pa kay Vargas, bagaman walang kontrol ang lokal na pamahalaan sa pagbabago ng presyo ng gasolina, may kontrol naman aniya ang mga lokal na mambabatas ng Cauayan na itaas ang pamasahe.

Sa ngayon ay hiling naman aniya nilang mga namamasada na taasan ang pamasahe hinggil sa taunang renewal ng prangkisa at sunod sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo