--Ads--

CAUAYAN CITY- Muling nakasagupa ng tropa ng 5th Infantry Division Philippine Army ang ilang miyembro ng New People’s Army sa Barangay Tappa, San Mariano, Isabela ngayong umaga.

Ang sagupaan ay hiwalay na engkwentro matapos na magsagawa opensiba ang 502nd Brigade kasabay ng hot pursuit at combat operation ng 86th IB sa mga tumakas na miyembro ng ICRC at KRCV sa bahagi ng Jones, Isabela.

Kung matatandaan kahapon ay nakatanggap ng impormasyon ng 86 IB sa presensya ng mga NPA na nagsasagawa ng extortion activities sa Barangay Dicamay Jones, Isabela.Tinugunan ito ng militar na nag resulta sa bakbakan.

Samanatala, nilinaw naman ni DPAO Chief Army Maj. Ed Rarugal ng 5th ID na walang naitalang casualty o nasawi sa unang engkwentro sa Barangay Dicamay Jones, Isabela taliwas sa ilang lumabas na impormasyon matapos ang insidente.

--Ads--

Aniya, ang engkwentro sa Jones ay nag resulta sa pagkakadakip sa dalawang miyembro ng ICRC at KRCV sa encounter site kahapon kasama ang ilang mga IED’s at personal na gamit.

Bilang resulta ng pagkakadakip ng dalawang NPA ay nasa anim na miyembro na lamang ng KRCV ang hinahabol ngayon ng militar na kanilang niatala na nag ooperate sa JESSA complex (JONES, ECHAGUE, SAN AGUSTIN, SAN GUILLERMO, AT ANGADANAN).

Patuloy parin ang panawagan nila sa mga nalalabi pang miyembro ng NPA na magbalik loob na sa pamahalaan.