Patuloy na gumagalaw sa direksyong hilagang-kanluran ang Tropical Depression Mirasol at kasalukuyan na itong nasa bahagi ng Kabugao, Apayao. Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 90 kilometro bawat oras.
Ayon sa PAGASA, nasa ilalim ng Signal No. 1 ang Batanes, Cagayan kabilang ang Sa Luzon: Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, ang kanluran at hilagang bahagi ng Isabela (Santo Tomas, Alicia, San Mateo, Aurora, Santa Maria, Quezon, Ramon, Naguilian, Roxas, Luna, Delfin Albano, Lungsod ng Cauayan, San Pablo, Lungsod ng Ilagan, Lungsod ng Santiago, Tumauini, Cabagan, Reina Mercedes, San Manuel, Cabatuan, Quirino, Gamu, San Isidro, Mallig, Cordon, Maconacon, Burgos, Divilacan), ang hilagang-kanlurang bahagi ng Quirino (Diffun, Saguday), ang hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kayapa, Ambaguio, Bayombong, Villaverde, Solano, Quezon, Bagabag, Diadi), Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, ang hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Atok, Kibungan, Kapangan, Bokod), Ilocos Norte, Ilocos Sur, at ang hilagang bahagi ng La Union (Luna, Bangar, Sudipen, Santol, San Gabriel, Balaoan, Bacnotan, San Juan, Lungsod ng San Fernando, Bagulin).
Sa susunod na 12 oras, inaasahang magpapatuloy sa direksyong hilagang-kanluran ang Mirasol habang tinatahak ang Northern Luzon. Inaasahang lalabas ito sa baybayin ng Ilocos Norte ngayong gabi at magpapatuloy sa hilagang-kanluran hanggang sa tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga, Setyembre 18.
Mananatili ang lakas ng bagyo habang tatawid sa Northern Luzon, ngunit kapag nasa katubigan na sa kanlurang bahagi ng Ilocos Norte, posibleng lumakas ito at umabot sa kategoryang tropical storm ngayong gabi o bukas ng madaling araw. Sa loob ng forecast period, mananatiling tropical storm si Mirasol, subalit hindi inaalis ang posibilidad na lumakas pa ito bilang severe tropical storm.











