Isang malubhang aksidente ang naganap kunga saan nawasak ang isang pampasaherong jeep matapos ang banggaan ng isang dump truck sa kahabaan ng National Highway partikular sa Barangay Mambabanga, Luna, Isabela ngayong araw, Enero 21.
Sa initial na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, mayroon ng apat ang nakumpirmang dead on the spot habang ang iba naman ay itinakbo na sa pinaka-malapit na hospital sa lungsod ng Cauayan.
Sa pakikipagpanayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ron, nakakita ng aksidente sinabi nitong nakita niya mismo ang naturang insidente na mabilis ang takbo ng isang dump truck na galing Cauayan City habang ang jeep na normalna takbo naman ay galing ng Cabatuan, Isabela. Dahil sa bilis ng truck at madulas na daan, nawalan ito ng kontrol matapos salpukin ng ng truck ang pampasaherong jeep tumalsik ang mga sakay nito at natanggal na rin ang bubong nito.
Sa ngayon, ilang ambulansiya ang pabalik-balik para respondehan ang mga biktima sa naturang insidente.
--Ads--











