--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga otoridad ang tinaguriang No. 3 provincial most wanted person sa kasong 2 counts ng Statutory Rape sa Purok 3, San Felipe, Laur, Nueva Ecija.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office inaresto si alyas “Cardo”, 27- anyos, truck driver at residente ng Purok 2, Kirang, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa pangunguna ng Aritao Police Station kasama ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng NVPPO, 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (NVPMFC) at Laur Municipal Police Station ay nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip ng akusado sa bisa ng  Warrant of Arrest na inisyu ni Hukom Eric D. Banasan, Presiding Judge ng RTC Branch 37 sa Bambang, Nueva Vizcaya Station-Bayombong, Nueva Vizcaya.

Tiniyak naman ng Nueva Vizcaya na aatestuhin at papanagutin ang mga indibidwal na nagkasala sa batas.

--Ads--