
CAUAYAN CITY – Nasawi sa pamamaril kaninang alas nuebe ng umaga ang isang tsuper ng truck habang papasok sa planta ng isang kompanya sa barangay San Fermin, Cauayan City.
Nakilala ang biktima na si Danilo Bramaje, residente ng Gappal, Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa testigo na kasama ni Bramaje sa minamanehong trailer truck, sinabi niya papasok na sila planta ng isang kompanya nang muntik na mahagip ang isang motorsiklo.
Nagalit umano ang tsuper ng motorsiklo na nagbigay ng masamang sign sa kanyang daliri.
Bumaba sa truck si Bramaje at pinuntahan ang motorsiklo nang biglang makarinig ang testigo ng putok ng baril at nakita na lamang ang biktima na nakahandusay na.
Patuloy ang pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station sa pagbaril at pagpatay kay Bramaje.




