CAUAYAN CITY– Dinakip ang isang truck driver dahil sa kinakaharap na kaso sa Reina Mercedes, Isabela
Ang dinakip ay si Dante Oliveros, 44 anyos, may-asawa, isang tsuper at residente ng Napaccu Pequenio, Reina Mercedes, Isabela.
Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rodolfo Dizon ng Regional Trial Court Branch 18 Ilagan City
Pinangunahan ng mga kasapi ng Reina Mrecedes Police Station ang pagdakip at pagsisilbi ng warrant of arrest kay Oliveros dahil sa kasong qualified theft
Nag-ugat ang kaso ni Oliveros matapos magreklamo ang kanyang amo na kulang ng 100 sako ng mais o 10 tonelada ng mais ang naideliver nito matapos timbangin.
Nanatili sa lock up cell ng PNP ang suspek at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.
Makakalaya lamang pansamantala ang suspek kapag nagpiyansa ng P/200,000.00 .




