CAUAYAN CITY- Dead on the spot ang isang dump truck driver matapos na pagbabarilin habang lunan ng kaniyang motorisklo sa Barangay Minante Dos, Cauayan City.
Ang biktima ay kinilalang si Ariel Lorenzo, nasa wastong gulang, isang truck driver, na residente ng Barangay Villa Luna, Cauayan City.
Sa inisyal na impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Cauayan City Police Station galing sa trabaho at pauwi na sana sa Barangay Villa Luna, Cauayan City ang biktima nang lapitan ito ng suspek na naka bullcap, black jacket at white shorts saka pinagbabaril.
Matapos ang pamamaril ay natumba ang biktima sa gilid ng kalsada habang agad namang tumakas sa lugar ang suspek gamit ang kaniyang motorsiklo na Honda Click 125i na kulay puti na walang plaka.
Batay sa ilang impormasyon tatlong basyo umano ng bala ng baril ang natagpuan sa crime scene.
Kasalukuyan ang ginagawang hot pursuit operation ng mga otoridad para madakip ang suspek.