Inihayag ni Pangulong Donald Trump na pipirmahan nito ang executive order na nag-uutos sa Department of Defense at Department of Homeland Security na simulan ang pagpapatayo sa 30,000-person migrant facility sa Guantanamo Bay.
Ito ay para sa mga illegal immigrants na mahuhuli ng mga otoridad at hindi pwedeng ma-deport sa kanilang bansa
Una nang pinirmahan ni Pangulong Trump ang Laken Riley Act na siyang unang bagong batas ng kanyang pangalawang termino.
Ang Legislation ay nagpapalawak sa mandato ng Federal Government na makulong ang mga illegal immigrants na nasa Estados Unidos nakagawa ng mga krimen.
Ang batasay ipapatupad pagkatapos ng pagpatay sa isang 22-taong-gulang na estudyante ng isang undocumented immigrant mula sa Venezuela noong nakaraang taon.