Hindi makukulong o magbabayad ng multa si U.S. President-elect Donald Trump sa kanyang criminal conviction sa kaso ng pagbabayad ng pera isang adult star.
Ito ang desisyon ng isang hukom nitong Biyernes, ngunit ang hatol ay maglalagay ng judgment of guilt sa kanyang rekord.
Ang pagsentensiya ni Justice Juan Merchan kay Trump, sa unconditional discharge ay nagsasara ng isang kaso na may banta sa kanyang muling pagkuha sa White House ilang araw bago ang kanyang inagurasyon sa Enero 20.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng unconditional discharge, magkakaroon na ng judgement of guilt ang rekord ni Trump – nang walang anumang iba pang legal na parusa gaya ng kustodiya, multa o probasyon.
Nagplead not guilty si Trump at nangakong iapela ang guilty verdict.