Ipinahayag ni US President Donald Trump na parehong nais ng Estados Unidos at Iran na makipagkasundo, at mayroon na silang “major points of agreement.”
Kasunod nito, iniutos niya sa militar ng U.S. na ipagpaliban ng limang araw ang nakatakdang pag-atake sa mga power plant at energy infrastructure ng Iran.
Sa kanyang Truth Social post, sinabi ni Trump na nagkaroon ng “very good and productive conversations” ang dalawang bansa sa nakalipas na dalawang araw upang tuluyang maresolba ang tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa kanya, nakikipag-usap ang mga U.S. envoys sa isang “respected” Iranian leader, ngunit hindi kay Supreme Leader Mojtaba Khamenei.
Giit ni Trump, dapat isuko ng Iran ang kanilang enriched uranium stockpile bilang bahagi ng kasunduan.
Dagdag pa niya, posibleng muling buksan ang Strait of Hormuz kung magtatagumpay ang negosasyon.
Samantala, Itinanggi ng mga mataas na opisyal ng Iran na nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng Tehran at Washington, ilang oras matapos ipahayag ni US President Donald Trump na nagkaroon ng “very good and productive conversations” para wakasan ang digmaan.
Ayon kay Iranian Parliament Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf,walang naging negosasyon at tinawag niyang “fake news” ang pahayag ni Trump.
Inihayag din ni Foreign Ministry spokesman Esmaeil Baghaei na walang direktang pag-uusap na naganap, ngunit kinumpirma na may natanggap na mensahe mula sa ilang “friendly countries” kaugnay ng kahilingan ng U.S. na











