--Ads--

Nagbabala si United States President Donald Trump na posible nitong isunod na atakehin ang Greenland gaya ng ginawa nitong pag-atake sa Venezuela upang makuha ang naturang teritoryo.

Ayon sa White House,  itinuturing umano ni Trump na “prayoridad sa pambansang seguridad” ang pagkuha sa Greenland upang hadlangan ang impluwensiya ng mga kalabang bansa tulad ng Russia at China sa Arctic region.

Kasama sa mga tinatalakay na hakbang ang posibleng pagbili ng teritoryo o pagbuo ng kasunduan sa ilalim ng Compact of Free Association subalit iginiit ng White House na ang paggamit ng U.S. military ay “laging opsiyon” sa ilalim ng kapangyarihan ng Commander in Chief.

Binatikos ng Denmark at Greenland ang mga pahayag ng administrasyong Trump at mariing itinanggi na naka­handa ang kanilang teritoryo na ibenta o isuko ang soberanya nito sa US.

--Ads--

Nagbabala naman ang Denmark na maaaring mabuwag ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) at masira ang matagal na alyansang pang-seguridad kung gagamitin ng US ang kanilang puwersa laban sa Greenland.

Kinondena rin ng ilang lider ng Europa ang banta ng US at nagpahayag ng suporta sa soberanya ng Greenland.