--Ads--

Matapos magbanta si Pangulong Donald Trump ng trade war laban sa Europa dahil sa pagtutol sa kanyang planong bilhin ang Greenland, isinasaalang-alang ng EU ang paggamit ng “trade bazooka” o Anti-Coercion Instrument (ACI) bilang tugon.

Ayon kay Trump, magsisimula sa Pebrero 1 ang 10% taripa sa mga produkto mula Denmark, Norway, Sweden, France, Germany, UK, Netherlands, at Finland, na tataas sa 25% sa Hunyo 1. Giit niya, mananatili ang taripa hangga’t walang kasunduan sa pagbili ng Greenland.

Mariing itinanggi ng Denmark at Greenland ang pagbebenta ng teritoryo, habang nagprotesta ang mga residente. Sa kabila ng kasaysayan ng interes ng US sa isla, nanindigan ang Europa sa soberanya ng Greenland.

Nagpulong ang EU at naglabas ng pahayag ng suporta sa Denmark. Bagama’t nananawagan ang ilan ng diplomasya, may mga lider na nais gamitin ang ACI upang gantihan ang US, na maaaring magdulot ng 93 bilyong euro na taripa. Gayunman, mas nakikita ng mga ekonomista ang negosasyon bilang mas posibleng solusyon.

--Ads--