--Ads--

Nanawagan si United States President Donald Trump nitong Lunes sa mga kaalyado ng US na tumulong upang mapanatili ang seguridad sa Strait of Hormuz.

Pinuna ni Trump ang mabagal na tugon sa kanyang panawagan para magpadala ng mga warship upang i-escort ang mga tanker sa strait, na karaniwang nagdadala ng one-fifth ng pandaigdigang suplay ng crude oil.

Tumaas ng 40%–50% ang presyo ng langis sa buong mundo dahil sa pag-atake ng Iran sa mga barko sa Strait of Hormuz at sa mga missile at drone strike sa Gulf bilang ganti sa digmaan na sinimulan ng Estados Unidos at Israel noong Pebrero 28.

Lumaganap din ang labanan sa Lebanon, kung saan nagsagawa ng mga atake ang pwersang Israeli at naglunsad ng “limitadong” ground incursion.

--Ads--

Sinabi ni Trump na inaasahan niyang makikilahok ang Britain at France sa mga hakbang upang matiyak ang seguridad sa Strait of Hormuz, ngunit tila nag-aalangan ang mga ito.

Sinabi ni Trump na magiging napakasama para sa kinabukasan ng NATO kung tatanggihan ng mga kaalyado ang pagtulong. Dagdag pa niya, hiniling niyang ipagpaliban ang summit kay Chinese leader Xi Jinping ng isang buwan o higit pa dahil sa isyung ito.