CAUAYAN CITY – “Try and try until you succeed”, ito ang naging sandalan ng isang taga Roxas Isabela na pumasa sa kalalabas lamang na resulta ng 2019 Bar Examinations.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Gretelmar Paguyo, isa sa mga pumasa sa Bar Exam na residente ng San Pedro, Roxas, Isabela, na ito na ang pangatlong beses na nagtake siya ng Bar Exam at sobrang kaba ang kanyang nararamdaman habang hinihintay ang resulta.
Sinabi ni Atty. Paguyo na bagamat positibo siyang makakapasa ay ibinigay pa rin niya ang kanyang best kasabay ng dasal.
Sinabi niya na sa kasagsagan ng kanyang review ay isinasabay ang pagtatrabaho sa pamahalaan.
Noong 3rd Sunday aniya ng kanilang examination ay nakaranas siya ng trangkaso sa loob ng anim na araw subalit hindi siya tumigil sa pagrereview.
Kahit sa 4th Sunday na ng Bar Exam ay ginawa niya ang lahat ng makakaya upang sumailalim sa huling araw ng pagsusulit kahit mayroon pa siyang trangkaso.
Hindi anya siya nawalan ng pag-asa at sobra sobra ang kanyang katuwaan at pasasalamat sa maykapal nang malamang nakapasa siya sa 2019 bar exam.











