--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ang isang tsuper ng tricycle na nasa drug watchlist sa isinagawang drug operation ng pinagsanib na puwersa ng Ilagan City Police Station at Phil. Drug Enforcement Agency Northern Isabela sa Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station, dinakip sa barangay Baligatan ang suspek na si Guilbert Canseran, 33 anyos, binata at residente ng Calamagui 2nd, Ilagan City.

Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu, isang cellphone na ginagamit sa pakikipag-transaction, pera at boodle money.

Matagal nang minamanmanan ng mga otoridad si Canceran hanggang ikasa ang operasyon na nagresulta ng kanyang pagkahuli.

--Ads--

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban ang suspek.

Ang nasamsam na hinihinalang shabu sa suspek ay isasailalim na sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory.