--Ads--

Tsuper na nasa baseline drug watchlist ng pulisya, nadakip

CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang tsuper dahil sa paggamit ng illegal na droga sa isang waiting shed sa boundary ng barangay Rizal West at Barangay Cebu, San Isidro, Isabela.

Ang dinakip ay si Alberto Felipe,51 anyos, may-asawa at residente ng Cebu, San Isidro, Isabela at nasa baseline watchlist ng pulisya.

Nakatanggap ng impormasyon ang San Isidro Police Station mula sa isang concerned citizen na ang suspek ay balak na magpot session kasama ang isang kaibigan sa nasabing lugar.

--Ads--

Kaagad namang tinugunan ito ng pulisya at nakita ang suspek kaya inatasan na ipakita ang nilalaman ng kanyang bulsa.

Dito nakita ang laman ng bulsa ng suspek na isang heat sealed sachet na naglalaman ng umanoy shabu.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang pinaghihinalaan at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangaerous Drugs Act of 2002) laban sa kanya