--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang tsuper ng tricycle matapos mabangga ng cargo truck sa Darapidap, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay ang tsuper ng tricycle na walang plaka na si Daniel Joseph, 28 anyos, binata at residente ng Purok Uno, Kirang, Aritao, Nueva Vizcaya.

Habang ang nagmamaneho ng isuzu cargo truck ay minamaneho ni Kingberly Luzano, 19 anyos, residente ng San Rafael Roxas, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Giovanni Cejes, hepe ng Aritao Police Station na ang biktima ay kukuha sana ng kanyang pasahero sa isang pakurbadang daan ngunit nabangga ng paparating na cargo truck.

--Ads--

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong malalang mga sugat sa katawan.

Nakakulong na sa Aritao Police Station ang suspek at inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide.