--Ads--

CAUAYAN CITY – Namatay ang isang lalaki matapos mabangga ng isang pick up sa Burgos, Isabela.

Ang biktima ay si Rolly Viado, 56 anyos, residente ng Mabini, Gamu, Isabela habang ang tsuper ng pick up na nakabangga kay Viado ay si Dan Carlo Maguinad, 25 anyos, residente ng District 3, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng biktima sakay ng motorsiklo ang provincial road nang mabangga ng sumusunod na pick up na patungong kaparehong direksiyon.

Tumilapon ang biktima at nagkaroon ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

--Ads--

Dinala sa pagamutan si Viado ngunit idineklarang dead on arrival sa pagamutan.