--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki sa banggaan ng motorsiklo at SUV sa Ballacayu, San Pablo, Isabela.

Ang nasawi ay si Rolin Guzman, 25 anyos, binata, tsuper ng motorsiklo at residente ng Simanu Sur, San Pablo habang ang suspek ay si Jericho Jusay, 30 anyos, binata, tsuper ng Toyota Inova at residente ng San Francisco Del Monte, lunsod ng Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, lumabas sa pagsisiyasat ng San Pablo Police Station na patungong south direction ang motorsiklo habang patungong north direction ang SUV nang makarating sa pakurbang bahagi ng lansangan ay nag overtake ang SUV sa sinusundan nitong sasakyan subalit hindi nito napansin ang kasalubong na motorsiklo kaya nagbanggaan ang mga ito.

Nagtamo ng mga malalang sugat si Guzman na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

--Ads--