--Ads--

CAUAYAN CITY – Namatay ang isang tsuper matapos malunod sa Abuan River sa barangay Cabisera 10, San Antonio, Ilagan City.

Ang nalunod ay si Valery John Nicholo Gatchalian, 31 anyos, may-asawa at residente ng purok 4, Malalam, Ilagan City.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagtungo ang biktima kasama ang kanyang mga kamag-anak sa ilog upang mag-piknik.

Matapos mag-inuman, ang biktima ay lumangoy sa ilog ngunit dahil sa malakas na agos ng tubig ay napunta sa malalim na bahagi ng ilog na sanhi ng kanyang pagkalunod.

--Ads--

Matapos makuha ang katawan ng biktima ay kaagad isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending Physician