--Ads--

Tsuper sugatan makaraang tagain ng kapwa tsuper

CAUAYAN CITY- Nasugatan ang isang tsuper makaraang tagain ng kanyang kapwa tsuper sa Marabulig Uno, Cauayan City.

Ang biktima ay si Crisanto Marayag, 47 anyos, may-asawa habang ang suspek ay si Edgar Doliente, 48 anyos, may-asawa at kapwa tsuper at residente ng San Lorenzo Subdivision sa Marabulig Uno.

Una rito ay inutusan umano ng kapatid ni Marayag ang anak nito na bumili sa tindahan ngunit sa pag-uwi nito ay nakasalubong niya ang pinaghihnalaan na may hawak na sanga ng kahoy at mistulang naghahamon ng away.

--Ads--

Kaugnay nito ay bigla na lamang pinagsalitaan ng masasama ng pinaghihinalaan ang bata dahilan upang magsumbong ito.

Lalabas sana ng bahay si Marayag upang kwestyunin si Doliente ngunit hindi pa siya nakakalabas sa kanilang bahay ay nakita na niya ang suspek na may hawak na itak.

Kakausapin sana umano ni Marayag si Doliente upang pakalmahin at tanungin kung bakit siya nagwawala at ipinasalitaan pa ng masama ang kanyang anak ngunit tinaga siya nito ng itak dahilan para masugatan ang kanyang kanang kamay.

Dinala sa pagamutan si Marayag upang malapatan ng Lunas habang nadakip ng mga kasapi ng Cauayan City Police Staton si Doliente.

Dati na umanong mayroong alitan ang biktima at suspek.

Inihahanda na ng Cauayan City Police Station ang kasong bigong pagpatay laban kay Doliente.