--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang tsuper ng isang kotse matapos na mahulog sa kalsada sa bayan ng Diffun, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Christian Framil, residente sa pinangyarihan ng aksidente na nangyari ang aksidente dakong alas tres ng madaling araw sa tulay na pagitan ng Magsaysay at San Pascual, Diffun na malapit lamang sa kanilang bahay.

Ayon aniya sa tsuper ng kotse, galing siya sa kasalan at pauwi na sa Cordon, Isabela nang mangyari ang aksidente.

Nawalan umano ng malay ang tsuper at may nakakita subalit hindi nila ginalaw ang sasakyan dahil inakala nilang patay na ang nakasakay.

--Ads--

Dumaan na lamang ang mga ito sa kanilang bahay para sabihin na may nadisgrasya malapit sa kanilang bahay at pinuntahan naman ito ng kanyang ama.

Pumunta naman sa kanilang bahay ang nadisgrasya para matawagan ang kanyang mga kamag-anak.

Maswerte namang minor lang ang natamo nitong sugat at maaring ang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang malay ay dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng kanyang sasakyan sa mga bato.

Batay pa aniya sa kwento ng biktima, hindi nito napansin na paliko ang daan kaya dumiretso at nahulog sa gilid ng kalsada.

Matagal umano itong hindi nakapunta sa Diffun, Quirino kaya maaring nanibago sa daan.

Mag-isa lang naman aniya ang biktima.

Natanggal na rin ang kotse sa lugar at naiuwi na rin ng may-ari.

Ayon kay Framil, nasa dalawang taon na ang nakakalipas mula nang may mangyari ulit na aksidente sa naturang lugar pero marami nang naaaksidente noon.

Nagpaalala naman siya sa mga tsuper na mag-ingat sa pagmamaneho at maging maalam sa mga signages para maiwasan ang mga ganitong aksidente.