CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagbaba ng water elevation ng Magat Dam sa kabilang ng mga naitalang pag-ulang dala ng bagyong Aghon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA – MARIIS, sinabi niya na nasa 55. 93 cubic meters per second lamang ang pumapasok na tubig sa dam na mas mababa kumpara sa 131 cubic meter per second na pinapalabas nilang tubig para sa irrigation.
Bumaba rin sa 176.61 meters above sea level ang water elevation sa Dam.
Aniya, pinag-aaralan pa nila kung maaari na silang magpakawala ng tubig sa unang linggo ng Hunyo sa South High Canal at Oscaris Main Canal na sumasakop sa mga sakahan sa timog na bahagi ng Isabela at Diffun, Quirino.
Nanawagan naman siya sa mga magsasaka na patuloy silang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang matugunan ang kanilang mga problema sa pagsasaka.