--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinag-iingat ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang mga manggagawa mula sa mga alok na pekeng trabaho sa pamamagitan ng mga text messages sa cellphone.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Allan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP na

kailangan ang dobleng pag-iingat dahil marami ang nagsasamantala sa panahon ngayon na marami ang naghihirap at desperado na makahanap ng trabaho.

Marami sa mga mandaraya at manloloko ang nais na makakuha ng pera sa kanilang mga biktima.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Tanjusay, ang mga natatanggap nilang reklamo hinggil sa pekeng alok na trabaho ay inire-refer nila sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Hinikayat nila ang mga regional offices ng DOLE  na magsagawa ng entrapment operation para mahuli ang mga manloloko.

Sinabi aniya ng DOLE na makikipag-ugnayan sila sa National Bureau of Investigation (NBI) para mahuli ang mga nag-aalok ng  pekeng trabaho.

Hiniling nila sa pamahalan magsagawa ng entrapment para mahuli at masampahan ng kaso ang mga manlilinlang para magsilbi itong babala sa mga nagbabalak na gumawa ng kalokohan.