CAUAYAN CITY- Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Ilagan City Police Station – Drug Enforcement Unit katuwang ang PDEA Isabela Provincial Office, IPPO-PDEU, at PDEA Regional Office 2 ang isang hinihinalang tulak ng shabu sa Barangay Namnama, City of Ilagan.
Isinagawa ang buy-bust operation sa loob ng Namnama Public Cemetery, Purok 3, Brgy. Namnama, kung saan naaresto ang suspek na si alyas “Butchokoy”, 30-anyos, may asawa, isang truck driver, at residente ng Brgy. Batong Labang, City of Ilagan.
Nakumpiska mula sa suspek ang mga isang piraso ng plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu;Apat na piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu;Isang genuine ₱1,000.00 bill na ginamit bilang buy-bust money;Halagang ₱80.00 cash na personal na pera ng suspek;Isang itim na card holder na naglalaman ng kanyang driver’s license.
Ang mga ebidensiya ay maayos na minarkahan at inimbentaryo sa mismong lugar ng insidente sa presensya ng mga opisyal na saksi mula sa DOJ at barangay.
Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.











