--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpaabot na ang tulong ang tanggpan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2 sa lahat ng mga naging biktima at nasugatan sa pagbagsak ng Sta. Maria-Cabagan bridge.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DSWD Region 2 Director Lucia Alan, sinabi niya na sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ay nagpaabot na sila ng 5,000 pesos food assistance sa menor de edad na biktimang nasa CVMC sa pakikipag ugnayan sa lokal na pamahalaaan ng Cabagan at 10,000 pesos medical assistance para sa Pamilya Catindoy mula sa Sta. Maria, Isabela.

Nakapag bigay din sila ng 5,000 pesos na halaga ng tulong sa isa pang biktima na mula sa Bayan ng Cabagan.

Batay sa assestment ng social workers na may iba pang pangangailangan ang mga biktima at kung pasok ito sa kanilang mga programa ay sisikapin nilang magpaabot ng karagdagan pang tulong.

--Ads--