--Ads--

Nakahanda ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga tulong para sa mga Pinoy OFWs sandaling lumala pa ang tensyon sa Lebanon.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, may koordinasyon ang ahensya sa Department of Foreign Affairs (DFA) at naghahanap sila ng maaring pansamantalang taguan ng mga Pinoy.

Sa datos ng DMW, nasa 300 Pilipino na ang na-repatriate mula Lebanon kabilang ang 13 OFW at inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong uuwi na sa bansa.

Matatandaan na nitong Biyernes naglabas ng abiso ang Philippine Embassy sa Lebanon para sa mga Pinoy na agad na lumikas sa naturang bansa dahil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

--Ads--