Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang tumaob na isang trailer truck sa bahagi ng Zigzag, Purok 7, Poblacion, Santa Fe, Nueva Vizcaya.
Ayon sa ulat, isang lane lamang ang madaanan sa Maharlika Highway habang isinasagawa ang clearing operations. Patuloy ang pagresponde ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan at mabilis na paggalaw ng mga motorista sa lugar.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng DPWH-Nueva Vizcaya 2nd District Engineering Office para sa paglilinis at pagtulong sa daloy ng trapiko. Tumulong din ang mga tauhan ng PNP sa pagmamando sa kalsada.
Ayon sa ilang motorista na dumaan sa lugar umabot sa mahigit isang oras ang kanilang pagdaan dahil sa humambalang na trailer truck sa kalsada.
Ang mga sasakyan na patungong Manila ay pinapayuhang dumaan sa Nueva Vizcaya-Pangasinan Road upang maiwasan ang pagkaantala sa biyahe.











