
CAUAYAN CITY – Kasalukuyan na ang pagpapatayo ng DPWH 3rd Engineering District sa Turod-Banquero Bridge sa Reina Mercedes, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engr. Ryan James Manglicmot, tagapagsalita ng DPWH 3rd Engineering District na nasa 25.1% na ang natatapos sa Turod-Banquero Bridge sa Reina Mercedes, Isabela.
Aniya, ang pagpapatayo sa Turod Banquero Bridge ay nasa phase 2 na at tapos na ang phase 1 gayunman ang sakop lamang nito ay ang mga poste ng tulay.
Mayroon aniya itong pondo ngayong 2021 na P29,396,000.
Inaasahan naman itong matatapos sa July 10, 2021.
Ayon kay Engr. Manglicmot, dahil nasa ilalim ng multiyear project ang tulay ay aasahang mayroon ulit itong pondo sa susunod na taon para tuluyan ng matapos.
Aniya, kapag natapos ito ay marami ang makikinabang na mga mamamayan.










