--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa Critical level na ngayon ang tustos ng dugo na nakaimbak sa tanggapan ng Philippine Red Cross o PRC Isabela Chapter.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay BB Kristine Joyce Quilang ang Chapter Service Representative ng PRC ISABELA sinabi niya na ang mababang supply ng dugo ay nararanasan ng lahat ng PRC chapters sa Region 2.

Aniya, bagamat may mga pagkakataong nkakalikom sila ng sapat na tustos ng dugo ay agad rin itong nauubos dahil sa mataas na demand ng mga pasyenteng nangangailangan nito.

sa katunayan sampu hanggang labing limang mga indibiduwal o ang lumalapit sa kanilang tanggapan upang humingi ng dugo sa kanilang  bawat araw.

--Ads--

Dahil sa kakulangan ng tustos ng dugo ay ipinapatupad na ng PRC Isabela ang  patients direct kung saan kailangan mag dala ng donor ang mga kaanak ng mga mangangailangan ng dugo na ka-blood type ng mismong pasyente.

Paliwanag naman ni Chapter Service Representative Quilang na bagamat may mga nailulunsad namang mga blood letting activities ito ay hindi malakihan dahil hanggang limampung indibiduwal lamang ang maaaring makilahok dahil sa ilang restrictions na ipinapatupad dahil sa kasalukuyang pandemiya.

Ang bahagi ng pahayag ni BB Kristine Joyce Quilang ang Chapter Service Representative ng PRC ISABELA.