--Ads--

CAUAYAN CITY– Hanggang kaninang tanghali lamang tumagal ang tustos ng karne ng baboy sa Cauayan City dahil sa kakulangan ng mabibiling baboy na dulot ng ASF

Ito ang ihinayag ng presidente ng mga meat vendors sa pribadong pamilihan ilang oras bago ang bagong taon dahil na rin sa kakulangan ng tustos ng baboy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Boyet Taguiam, presidente ng mga meat vendors sa pribadong pamilihan, sinabi niya na nasa 50% ang ibinaba ng bilang ng kanilang kinatay na mga baboy ngayong bisperas ng bagong taon kumpara sa mga nakalipas na taon.

Kung dati ay mahigit sa 300 baboy ang nakakatay sa lunsod tuwing bisperas ng bagong taon ngayon ay halos 150 na lamang.

--Ads--

Ito ang dahilan kung bakit naubos na ang mga panindang karne sa pamilihan kaninang tanghali.

Sa ngayon ay pumapatak na sa P300-P320 ang bawat kilo ng karne ng baboy sa Cauayan City dahil sa pagtaas sa presyo ng ng live weight na mahigit P200.00 .

Maliban dito ay pahirapan din ang paghahanap nila ng tustos ng baboy at ang ilan ay kinukuha pa sa malalayong bayan sa Isabela at mga karatig lalawigan.

Maliban sa karne ng baboy ay mataas rin ang presyo ng laman ng baka mula sa 340-350 pesos bawat kilo dahil din sa kulang na suplay.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Boyet Taguiam