--Ads--

Nasunog ang isang two-storey residential house sa Barangay Sinamar Norte, San Mateo, Isabela dakong alas-11 ng umaga  ngayong Linggo, Disyembre 7.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Ginang Julita Rayo, isang biyuda.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Christine Joy Bartolome, kapitbahay at kamag-anak ng nasunugan ang bahay, sinabi nitong nagmula ang sunog sa isang altar na may nakasinding kandila.

Ayon pa kay Bartolome, muntik rin madamay ang kanyang bahay dahil nabasag na rin umano ang mga salamin ng bintana sa kanilang tahanan.

Dagdag pa ng iba na nakapanayam Bombo News Team, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa ang bahay sa light materials.

Samantala, agad namang dinala sa pagamutan ang may-ari ng naturang bahay dahil nagtamo ng minor injury matapos nitong balikan ang ilang mga mahahalagang papeles.